Simulan na ang iyong music video!

Sabayan at kantahain ang "Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko" Aralin ang tono at kabisudahin ang lyrics!

Download Minus One for FREE

Magkasama Tayo Sa Kwento Ng Pasko

ABS-CBN 2013 Christmas Station ID Theme Song VERSE 1:

Bawat Pasko'y may dalang himala
Malakas mang ulan, ito'y titila
Bubuhos ang pagpapala
May kapiling ang nangungulila

VERSE 2

Anumang lungkot tayo'y aahon
May lunas sa sugat ng kahapon
Sa isa't isa'y mayrong paglingap
Mga pangarap ngayo'y magaganap

PRE_CHORUS

Laging masaya ang kwento ng Pasko
Dahil sino ka man may nagmamahal sa iyo
Ngayong kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko'y magkasama tayo

CHORUS

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig
Ipagdiriwang ang pag-big
At ito ay tatawid
Sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa 'yo
Sa 'ting himig
Nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo
Sa kwento ng Pasko

Whoa-oh, whoa-oh-oh
Whoa-oh, whoa-oh-oh
Kwento ng Pasko...

VERSE 3

Mga ala-ala sa Pasko'y di kumukupas
Ilang taon pa man ang lumipas
Dahil ang bawat damdamin, oh
Umuukit nang malalim

VERSE 4

Marangya man ang pagdiriwang
Kahit simpleng kasiyahan
Ang tunay na may kayamanan
Pamilyang nagmamahalan

PRE-CHORUS

Laging masaya ang kwento ng Pasko
Dahil sino ka man may nagmamahal sa iyo
Ngayong kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko'y magkasama tayo

CHORUS

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig
Ipagdiriwang ang pag-big
At ito ay tatawid
Sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa 'yo
Sa 'ting himig
Nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo
Sa kwento ng Pasko

BRIDGE

Magbago man lahat sa mundo
Nananatili ang diwa ng Pasko
Ang pagpapala ay hindi mauubos
Himala ng Pasko
Ay hiwaga ng Diyos

CHORUS

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig
Ipagdiriwang ang pag-big
At ito ay tatawid
Sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa 'yo
Sa 'ting himig
Nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo
Sa kwento ng Pasko

*You may also download the 2013 Christmas SID song via Star Music site or iTunes
ad 160